Praning

September 22nd, 2005 by litengutt

"Bagong kaalaman patunong sa kabaliwan"

Sa panahon ngayon maraming paraan upang madagdagan ang ating kaalaman sa lahat nang ating maaring maisip. Nandyan ang mga libro, magasin at ang mahiwagang internet kung saan lahat ay maari mong mahanap. Bilang bagong ina yan ang aking madalas na gawain kapag wala akong ginagawa o kaya naman habang pinatutulog ko ang aking anak. Magbasa. Araw-araw nadaragdagan ang aking kaalaman ngunit araw-araw din na papalapit sa kabaliwan ang aking pagiisip. Hehehe! Siguro narinig na ninyo o nabasa ang SIDS ( Sudden Infant Death Syndrome). Iyan sa ngayon ang laman nang aking ……

Bomba

July 29th, 2005 by litengutt

" Naligo kana ba?"

Ang pinakamadalas na gagawin nang isang ina sa kanyang anak habang ito ay musmos pa lamang ay ang magpalit nang lampin. Ito’y sisiw na lamang sa akin sapagkat dalawang pinsan at apat na pamangkin na ang aking inalagaan. Sa lalaki kailangan nang ingat sapagkat sa tuwing mahahanginan ang putotoy (sensord eh pero alam ko alam na nyo iyon) sigurado iihi ito. Kaya gwardyado iyon lagi nang bulak, tisu o telang lampin para hindi mang bumbero. Pero minsan sablay pa din. Marahil alam naman nang lahat na kapag magpapalit nang lampin inaangat ang puwit sa pamamagitan nang pagbuhat pataas sa mga binti nang bata. Isang araw na ginagawa ko ito kampante at kinakausap pa ang maliit na lalaki nangyari ang di inaasahan. Pagangat ko nang binti sabay utot nya ang masaklap pa may kasamang tae. Ano pa nga ba eh di nabiktima ang inyong lingkod pero huwag magalala di naman umabot sa muka kahit na mataas ang lamesang palitan nang lampin. Kaya kayo ingat!!!

Subsob

July 25th, 2005 by litengutt

"Walang sakit na hindi mararamdaman."

Unang araw nang aking munting prinsipe sa pagpunta sa himpilan nang kalusugan para sa kanyang iniksyon na BCG. Ito din ang aming unang araw na kami lamang na dalawa ang babaybay sa kalsada bilang mag-ina. Maaga pa lamang ako ay naghanda na sa aming pagalis nang bahay upang kami ay di mahuli sa nakatalagang oras para sa amin.

Nagimpaki ako nang bag kung saan ko inilagay ang sa aking pakiwari kakailanganin nang aking anak. Sapagkat di naman kami magtatagal sa himpilan naisip kong apat na piraso nang modernong lampin ay tama na para sa kanya. Makatapos kong paliguan at bihisan ang prinsipe ako’y naghanda nang aking sarili at kami’y rumatsada na. Kailangan ko pang maglakad patungo sa istasyon nang bus at abangan ang bus na daraan sa himpilan.

Sinakay ko sya sa stroller at kami ay bumaybay na sa kalye. Sa kalagitnaan nang paglalakat namin bigla na lamang umiyak nang iyak ang munting musmos. Ito’y binaliwala ko lamang sa pagkat sa aking palagay ay nagpapakarga lang sya sa akin. Datapwat umatungal na halos pagtinginan na ako sa daan nang mga tao kayat kinausap ko at kinarga. Nadiskubre kong tumae pala kaya ito umiiyak sapagkat ayaw niya ang malagkit at basang puwit. Samakatwid nagpalit ako nang kanyang lampin sa kalye habang medyo natataranta na nalulungkot sa pakiramdam na nagkulang ako bilang ina. Patuloy sa pagiyak ang aking musmos kayat nang makarating ako sa istasyon nang bus pinadede ko ito nang mahimasmasan. nalagpasan kami nang unang bus sapagkat nagpapadede ako at di ko magawang iyakyat ang stroller sa bus hanbang nagpapadede.Nakasakay kami sa pangalawang bus at nakarating sa himpilan nang kalusugan. Doon ay nagpalit kami nang lampin at nagpatulog nang pagdede muli.

Tinimbang si Ikee 3.89 kilo sa idad na tatlong linggo. Ininiksyonan sya, ako at isang nagtratrabaho sa klinika ang naka kapit sa kanya at isang dabyana ang nag-iniksyon. Pagkatapos nagantay kami hanggang 25 minuto bago umalis ito ay ayon sa patakaran nang klinika. Ano pa nga ba habang nagaantay dumedede ang aking tsikiting at bago kami umalis nagpalit kami muli nang lampin. Dumaan kami nang tindahan para bumili nang lampin ngunit nang makita ko na doble sa halaga ang lampin naisipan kong doon nalang sa malapit na mall sa amin ako bibili. Nagbiyahi na kami muli at bumaba sa aming destino. Tinawagan ko ang aking asawa para sumunod sa amin matapos ang kanyang trabaho nang saganoon ay maka hersisyo kahit sa paglalakad lamang. Kinsi minutos lamang ang layo nang mall mula sa aming tahana kapag iyong nilakad.

Sa dahilang dala ko ang stroller hindi ko malaman kung papaano bumaba sa ibabang palapag nang "department store" kung saan naroon ang tindahan na makakabili ako nang lampin. Kailangan ko nang elebator ngutin di ko alam kung nasaan ito. Nang yari na ang di inaasahan tumae muli si Ikee ngunit nang tignan ko ang bag wala nang lampin. Sa pangalawang pagkakataon umatungan sya muli sa oras na ito nagumpisa na akong nataranta. Nang makita ko ang hagdang dikoryente na kung saan maari akong bumaba papunta sa tindahan naisipan kong dalhin nalamang si Ikee at bumili upang di na sya umiyak. Ini wan ko lahat nang gamit namin sa stroller di ako nagdalawang isip na baka mawala ang importante sa akin nang mga oras na iyon ay ang magkalampin. Habang akoy bumibili walang tigil sa pagiyak nang palakas kayat natataranta ako nang husto. Sa pagbalik namin pataas di ko naisip na maari akong sumala nang tapak sa hagdang dikoryente. Nagyari ang di ko inaasahan walang kaabagabag nalaman ko nalang na napaluhod na ako at kulang na lamang sumubasob sa hagdan. Nagulat ang musmos at lalong umiyak nang malakas narinig ko ang mga nakakita na napasigaw sa nakita. Wala akong pakialam sa anu man ang sabihin nang iba ang una kong ginawa ay tinignan kung maayos ang aking anak mabuti nalamang balot siya at suportado nang buong katawan ko kayat walang nangyari sa kanya. Pinalitan ko sya nang lampin kung saan naroon ang stroller at nang matapos eksakto dumating ang ama. Mabuti na lamang alam niya kung saan kami maaring naroon. Sasandaling iyon bigla na lamang ako nakaramdam nang sakit sa aking mga binti at tuhod. Tiningnan ko ito at nalaman na nasugatan pala ako at nabugbog ang aking mga tuhod. Ramdam na ramdam ko ang sakit at naka marka ang ibidensya sa mga bugbog sa aking tihod at sugat sa binti. Ngunit ano man ang aking naramdaman itoy bali wala basta’t maayos lamang ang aking anghel.

Oras

July 19th, 2005 by litengutt

         "Gabi na datapwat di ko pa man nakikita ang umaga."

Malaki ang pinagbago nang aking oras simula nang ipanganak ang aking munting anghel na si Mikael. Ang aking umaga ay nagiging gabi at ang aking gabi ay nagiging umaga. Natatapos ang araw na parang wala akong nagagawa. Lumilipas ang panahon na maihahambing sa hangin na ating hininga. Sa bawat mulat nang aking mata patanda nang patanda ang larawan na aking nasisilayan sa salamin. Ganoon pa man ako ay masaya sapagkat buhay ko ay nagkaroon na nang kabanata…

Bata

June 29th, 2005 by litengutt

    "Limang segundong sarap, siyam na buwang pahirap at isang matinding iri nang habang buhay na ligaya. "

Hindi ko akalain na pagkatapos nang anim na buwan bilang may bahay ni Pedro magbubunga ang aming pagsasama. Marahil sa karamihan ito ay isang prosesong pangkaraniwan ngunit sa aking kalagayan ayon sa isang dalubhasa nang syensya 60% sa 100% ang aking pagasa.

Sa aking pagaakala lalong lumala ang aking "migrain" nang akoy napadpad sa isang bansang nasa loob nang palamigan. Dalawang buwan ko itong binaliwala baka kako dala lamang ito nang paninibago sa aking bagong tahanan at estado sa buhay. Nang sa araw araw na lumipas tipong palala ang aking nararamdaman naisipan kong gamitin ang "pregnancy test kit". Sa dahilang wala nga sa pagiisip ko ang makatanggap nang milagro nalimutan kong tignan ang resulta. Nang mapansin ko ito isang araw na ang nakalipas kaya ang asul na kulay ay aking pinagdudahan. Inulit ko at sa pagkakataong ito inabangan ko na ang resulta. Eh ano panga ba ang aking nabasa kundi ako ay magiging isang ina. HIndi ko maipapaliwanag ang aking naramdaman masaya ako ngunit may takot na nakarugtong sa akin pakiramdam. HIndi ko alam kung papaano ko sasabihin sa aking asawa ang aking natuklasan sapagkat di ako sigurado kung positibo nga ba na magiging isang pamilya na kami. Hindi ko matandaan kung papaano ko sinabi ngunit sa aking pagkakaalam inabangan ko siyang magising nang umagang iyon at nang ngumiti siya nang makita akong gising atsaka ko binanggit sa kanya.

Tatlong buwan akong nagdududuwal at di halos makakain at buong araw na nasa higaan lamang. Sa awa nang Diyos nang makalagpas ako sa ika apat na kabuwanan medyo bumuti naman ang aking kalagayan. Samakatuwid ako’y nakapasok sa paaralan nang Rosenhof kung saan nagsimula ang aking kurso sa lengguwaheng norwegian.

Kakaiba ang systema nang pangangalaga sa mga buntis sa bansang ito. Ang manggagamot na tumitingin ay isang pangkalahatang manggagamot at di lahat nang pagpapatingin ay doon magaganap. Sa pagitan nang mga pagpapatingin sa manggagamot isang kumadrona ang mangangalaga. Sa buong siyam na buwan limang beses lamang ako nagpunta nang manggagamot at ang iba ay sa komadrona na sa senter nang aming sitio.

Lahat nang mga magulang ang pinakaaabangan at gusto nilang malaman ay ang kasarian nang kanilang magiging anak. Marahil sa aking asawa ito ay ugmay ngunit sa akin iisa lang ang aking araw-araw na hiling sa Diyos ang magkaroon nang malusog na anak at matiwasay na pagsilang nito. Ngunit sa kasamaang palad nang kami ay magpa "ultrasound" hindi ipinakita nang aming anak ang kanyang kasarian. Ngunit sa pakiwari nang gumawa nito ay lalaki ang aming magiging anak.

Lahat nang pagpapatingin at mga pagsusuri ay libre. Kaya ang pagaalala nang isang ina ay natutuon na lamang sa kalusugan nang kanyang magiging anak. Sa aking situasyon malaki ang naitulong nito lalunat ang lahat nang aking pinagdadaanan ay bago sa akin.

Sa kadahilanang tagginaw ang aking pagdadalantao madalas akong nakakaranas nang biglang pagiyak nang di ko maipaliwanag kung bakit. Marahil dala nang panahon mangyari masmahaba ang dilim sa liwanag. Kadalasan sumisikat ang araw nang alas sonse at lulubog nang alas dos. Ang lamig ay nasa pagitan nang -18 hanggang 5 grado. Salamat sa Diyos nakaraos ako nang hindi naloloka. (ha ha ha…)

Dalawangput walong oras bago ako nakaraos sa panganganak. Ano ang aking ginawa? Namasyal nang katakot-takot sa hospital dahil sabi nga nila ang paglalakad ay makakatulong para mapadali ang panganganak. Pumutok ang panubigan ko ngunit pagkatapos nang limang oras muli itong nagsarado ayon sa komadrona. Tinanong niya ako kung gusto ko bang tulungan niya ako at buksan niya uli ito. Syempre umoo ako dahil sa sakit na nararanasan ko ayaw kong buong linggo akong mamilipit sa sakit. Kaya binutas niya ang panubigan nang tumuloy-tuloy ang kasalukuyang nangyayari. Makakalimot ka sa nararamdaman mong sakit dahil sa serbisyo nang mga naglilingkod. Para kang nasa hotel sa paglilingkod nila. Kung di ako nagkakamali makalipas ang walong oras pinagbabad nila ako sa paliguang batya ( bath tub) ayon sa kumadrona makakatulong ito para mabawasan ang aking pagod at mapapahinga ako nang kaunti. Siguro meron ding isang oras akong nagbabad at eto ka may serbisyo pa nang inumin at pagkain. Biniro ko nga asawa ko na sarap buhay para akong nagbabakasyon sa isang resort. Ang kakaiba nga lang kada limang minuto nagiiikot ako sa sakit.

Makalipas ang isang oras nang akoy makabalik sa aking silid tinignan muli ang progresso nang aking panganganak muling sarado ang aking panubigan. Isang manggagamot ang kanilang tinawag upang tignan kung ano nga ba. Doon sinabi nang manggagamot na kailangan nang tulunang buksan nang tuluyan. Kaya may patpat silang ginamit para butasin nang ganap ang aking panubigan. Matapos ito dinugtong nila ako sa ibat-ibang makina na sumusuri sa akin at sa aking anak. Apat na oras bago ko isilang ang aking munting anghel nagpaineksyon na ako nang "epidural" sapagkat di ko na makayanan ang sakit na aking nararamdaman. Matapos ilagay ito pinagsanay na nila akong umiri nang tama para sa maayos na pagtulak sa munting linikha.

Mabilis ang mga pangyayari. Sa isang iglap nasa dibdib ko na ang pinakakaabangang hulog nang langit. Tama ang sinasabi nang karamihan, sa oras na makapiling mo ang bata lahat nang sakit ay iyong malilimutan. Buti nalamang di ko nalimutan paalalahanan ang ama na kunan nang letrato ang anak. Di man kompleto ang aming mga letrato mainam naman sa wala.

Sauulitin…???